^

Probinsiya

2 estudyante todas sa fun run sa iskul!

Ludy Bermudo, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 estudyante todas sa fun run sa iskul!
Sa report ni Isabela Provincial Police Office (PPO) Director P/Col. Manuel Bringas, dead-on-the-spot ang 8-anyos na Grade 3 pupil at 7-anyos na babaeng mag-aaral ng Cauayan South Central School sa insidente.
FIle

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masaya sanang “Color and Bubble Fun Run” ng isang paaralan nang dalawa sa mga batang estudyante ang nasawi habang dalawa pang kaeskuwela ang nasugatan nang makur­yente sa kasagsagan ng kanilang aktibidad sa Cauayan City, Isabela kahapon ng umaga.

Sa report ni Isabela Provincial Police Office (PPO) Director P/Col. Manuel Bringas, dead-on-the-spot ang 8-anyos na Grade 3 pupil at 7-anyos na babaeng mag-aaral ng Cauayan South Central School sa insidente.

Isinugod naman sa Cauayan Medical Specialist Hospital at Cauayan District Hospital ang dalawa pang nasugatang estudyante ng Grade 9 at Grade 6.

Ang Grade 9 ay nagtamo ng pagkalapnos ng kamay at braso sa insidente na matapos na malapatan ng pangunahing lunas ay nakalabas na ng pagamutan habang ang isa pa ay patuloy na inoobserbahan ang kalagayan.

Base sa imbestigas­yon, dakong alas-6:20 ng umaga, habang kasagsagan ng aktibidad at nababalutan ng foam at bubbles ang mga estudyante nang magkaroon umano ng electrical short circuit kung saan nagkaroon ng grounding.

Ayon sa pulisya, ang apat na mag-aaral ay naglaro malapit sa makina na nagpoprod­yus ng bubbles o pabu­la sa nasabing fun run nang aksidente silang makuryente.

Mabilis na nagres­ponde ang mga pulis, iba pang rescuers at volunteers na sa lugar at sinaklolohan ang mga batang biktima. 

Kinumpirma na rin ng Department of Education (DepEd) ang pagkamatay ng dalawang estudyante na kalahok sa fun run ng Cauayan South Central School nitong Sabado.

Nagpaabot din ang DepEd ng taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya at sa komunidad ng paaralan na nagluluksa sa trahedya.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng kinakailangang hakbang ang ahensya.

Nanawagan din ito sa publiko na igalang ang privacy ng mga apektadong bata at ng kanilang mga pamilya at iwasang magbahagi ng hindi pa beripikadong impormasyon, pangalan, larawan, o video.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with