16 gun-for-hire groups nalansag sa Central Visayas

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga elemento ng pulisya sa Central Visayas matapos nilang malansag ang nasa 16 gun-for-hire groups sa loob ng 8-buwang operasyon sa taong ito, ayon sa opisyal kahapon.
Sa report ni P/Brig. Gen. Redrico Maranan, Chief ng Police Regional Office (PRO) 7, ito’y kaugnay ng pinalakas na anti-criminality operations sa buong Central Visayas.
Ayon kay Maranan, nasa 18 na mga suspect ang nasakote at 12 namang miyembro ang napatay sa serye ng police operations.
Kabilang sa mga nalansag na gun-for-hire ay ang mga kilabot na Caballero, Garciano, Gido, Nadera, Tañeza, Manoy, Yllaya, Marapoc, Bobong, Rusiana, Darryl, Llatona, Cose, Pocaba, Comaling at ang Ybañez groups.
Sinabi ni Maranan na isang malaking tagumpay ang pagkakalansag sa nasabing mga grupo na banta sa komunidad. Aniya, nanatili ang commitment ng PRO-7 upang protektahan ang mamamayan ng Central Visayas.
- Latest
















