^

Probinsiya

Mag-asawa, anak patay sa ‘Akyat-Bahay’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Pinagpapalo ng matigas na bagay

MANILA, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng pamilya nang pagpapaluin ng matigas na bagay sa ulo at kata­wan ng hinihi­nalang mga miyembro ng “Akyat Bahay Gang” matapos silang pasukin sa kanilang tahanan nitong Miyerkules sa Zamboanguita, Negros Oriental.

Kinilala ang mga biktima na sina Pedro Catalonia, 70; misis na si Servana, 65 at anak nilang si Marites, 43, pawang residente ng Sitio Cambilo, Brgy. Najandig, Zamboanguita, sa Negros Oriental.

Batay sa report ng Zamboanguita Police, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng mag-asawang senior citizen at kanilang anak na babae sa loob ng kanilang tahanan sa naturang lugar.

Ayon sa isa pang anak ng mag-asawang Catalonia na si Retchiel, nakita na lamang niya ang kanyang mga magulang at kapatid na wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay na naliligo sa sariling dugo dahil sa mga palo sa iba’t ibang katawan.

Agad namang humingi ng tulong sa mga awtoridad at ipinaalam ang krimen.

Nabatid na liblib na lugar ang bahay ng nasabing pamilya at malayo sa kanilang mga kapitbahay.

Ayon kay Retchiel, pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang mga personal na kagamitan ng kanyang mga magulang matapos limasin at tangayin ng mga suspek ang higit sa P20,000 cash.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga suspek.

vuukle comment

AKYAT BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with