^

Probinsiya

Trader na pinatay, ninakawan sa Cavite, 52 beses sinaksak

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Trader na pinatay, ninakawan sa Cavite, 52 beses sinaksak
Ayon kay Lt. Col. Julius Baybado Balano, hepe ng Dasmariñas City Police Station, lumalabas sa initial result ng autopsy na isinagawa ng forensic unit personnel na ang biktima na si Wilson ay nagtamo ng 52 stab wounds gamit ang ice pick ng tatlong suspek nang kaladkarin siya sa kusina ng kanyang bahay at igapos.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagtamo ng 52 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang kilalang negosyante na may meat business at food chain nang atakihin ng mga hinihinalang hired killers o “akyat-bahay gang” sa kanyang tahanan sa Barangay Burol Main, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.

Ayon kay Lt. Col. Julius Baybado Balano, hepe ng Dasmariñas City Police Station, lumalabas sa initial result ng autopsy na isinagawa ng forensic unit personnel na ang biktima na si Wilson ay nagtamo ng 52 stab wounds gamit ang ice pick ng tatlong suspek nang kaladkarin siya sa kusina ng kanyang bahay at igapos.

Lumalabas na agad naghalughog ang mga suspek sa loob ng bahay at kinulimbat ang kabuuang P2.5 milyon halaga kabilang ang Toyo­ta Hilux pick-up vehicle (DAT-1211) na tinangay, P1.8 milyong cash, mga mamahaling alahas at kagamitan saka tumakas patungong Metro Manila.

Dahil sa insidente, sinabi ni Balano na bumuo na sila ng 7-man special investigation team upang tumutok sa imbestigasyon at tracker team na kinabibilangan ng provincial intelligence personnel, Highway Patrol Group-Cavite na tutugis sa mga suspek at mahanap din ang ninakaw na pickup truck vehicle ng biktima at dalawang motorsiklo na ginamit ng mga suspek sa kanilang pagtakas.

Tinitingnan ng mga imbestigador ang negosyo, pagseselos ng isang tao at alitan na mga motibo sa kirmen.

“As of now, we are currently conducting a back-tracking investigation and reviewing more or less 15 retrieved close-circuit television camera installed from different areas in Dasmariñas, Bacoor to Las Piñas City for possible identification of the suspects before and after the commission of the crime committed,” pahayag ni Balano sa phone interview.

Sinasabing ang mga suspek ay posibleng mga contract killer at akyat-bahay gang matapos na isa sa mga suspek ang nagsabi ng “trabaho lang ito,” sa pamilya ng biktima.

vuukle comment

CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with