^

Probinsiya

Misis, kinatay ng binatilyo na inakusahang magnanakaw

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Misis, kinatay ng binatilyo na inakusahang magnanakaw
Patay na nang matagpuan ang biktimang si Nelsie Pronce Bobis, may-asawa, residente ng Sitio Cagbatano, Brgy. Malidong, Pio Duran, Albay.
STAR/File

PIO DURAN, Albay, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng 29-anyos na misis matapos pagtatagain ng isang binatilyo nang akusahan nitong nagnanakaw ng niyog sa kanilang lupain sa bulubunduking lugar ng Sitio Cagbatano, Brgy. Malidong ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Patay na nang matagpuan ang biktimang si Nelsie Pronce Bobis, may-asawa, residente ng Sitio Cagbatano, Brgy. Malidong, Pio Duran, Albay.

Itinago na lamang sa pangalang “Dante” ang 17-anyos na suspek na residente ng naturang lugar.

Sa ulat, alas-4 ng hapon nagpunta ang ginang sa kanilang lupain at dito niya inabutan ang suspek na nasa loob ng kanilang niyugan.

Dahil dito, sinabihan umano ng biktima na nagnanakaw ng niyog ang suspek dahilan para magtalo ang dalawa hanggang sa bumunot ng itak ang suspek at pinagtataga sa mukha, ulo, katawan at kamay ang biktima na agarang nasawi.

Sinubukan pang itago ng suspek ang bangkay ng ginang sa pamamagitan ng pagtakip sa duguang katawan nito ng mga dahon ng anahaw su­balit nadiskubre ng kanyang mga kaanak.

Agad namang naaresto ang suspek ng mga rumespondeng pulis na agad dinala sa MSWD habang inihahanda ang kaso nang pamamaslang laban sa kanya.

vuukle comment

MAGNANAKAW

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with