^

Probinsiya

Truck driver tiklo sa droga, boga

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang truck driver makaraang makumpiskahan ng ilegal na droga at baril sa isinagawang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Barangay Limbon ng bayang ito kamakalawa.

Kinilala ni P/Lt. Col. William Angway, chief of police dito, ang nadakip na si Ronelito Sacristia alyas “Pody”, 49, may asawa at residente ng Barangay Castanas, Sariaya.

Isinagawa ng joint operatives ng Municipal Drug Enforcement Unit at PDEA sa pamumuno ni Agent William Dulay ang buy-bust operation laban sa suspek dakong alas-5:15 ng hapon. Nang mabili na ng tumayong poseur buyer na pulis ang droga mula sa suspek ay dito na siya inaresto.

Nang kapkapan ang suspek ng mga awtoridad ay nakuha sa kanya ang isang colt caliber 45 at 10 pang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P30,000.00 at P500 marked money.

vuukle comment

WILLIAM ANGWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with