^

Probinsiya

2 motor nagsalpukan, sumabog: 2 natusta

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines  – Mistulang nalitson nang buhay ang dalawang lalaking rider kabilang ang isang menor-de-edad matapos na sumabog at magliyab ang kanilang minamanehong motorsikllo nang magkasalpukan sa gitna ng kalsada sa Brgy. Sta. Cruz, Zaragoza, lalawigang ito nitong Lunes ng madaling-araw.

Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang dalawang biktima na sina Christopher Dizon, 27-anyos, binata ng Sitio Putot, Brgy. Concepcion, Zaragoza NE; at Keempee Miguel, 17-anyos, isang senior high school student ng Brgy. Macarse, Zaragoza, NE.

 Ayon sa pulisya, alas-12:40 ng madaling-araw nang magsalpukan ang sinasak­yang motorsiklo ng dalawang biktima. Sakay ng motorsiklong Bajaj si Dizon na sinasabing patungo sa town proper ng Zaragoza habang sakay naman si Miguel ng motorsiklong Racal na patungo sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

 Dahil sa may kadiliman ang lugar at madalang ang dumaraang sasakyan, maaari umanong kapwa matulin ang takbo ng dalawang motorsiklo hanggang sa hindi mapansin ng dalawang drayber ang isa’t isa sanhi ng salpukan.  

vuukle comment

CHRISTOPHER DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with