^

Probinsiya

Karera ng trikeat motor: 1 dedo,6 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Durog ang isang 45-anyos na mister habang sugatan ang anim pang katao kasunod ng banggaan ng nagkakarerang traysikel at motorsiklo sa highway ng Brgy. Simpatuyo, Sta. Teresita, lalawigang ito kamakalawa. Sa report, mula sa minamanehong tricycle ay patungo sa kanilang kapilya ang mi-nistrong si Jimmy Bumidang, 23, sakay ang mga kapanalig na sina Bogie Escobar, 47; Reynaldo Pudiquet, 45, at dalawang menor-de-edad nang banggain nila ang binubuntutang motorsiklo ni Jay-ar Silos, 29, sakay ang kanyang lolong si Rodrigo “Digong” Crisostomo, 61, dakong alas-6:00 ng gabi.

Dahil dito, dumausdos at bumaliktad sa gilid ng kalsada ang traysikel ni Bumidang dahilan upang tumilapon si Pudiquet sa gitna ng kalsada at ginulungan ng ‘di natukoy na sasakyan habang nagtamo ng mga sugat ang iba pang biktima. Isinugod ng mga sumaklolo ang mga biktima sa Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital sa bayan ng Gonzaga subalit idineklarang patay si Pudiquet.

vuukle comment

ALFONSO PONCE ENRILE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with