Pinoy trail runner, todas sa 70km race!

MANILA, Philippines — Binalot ng trahedya ang 70-kilometer (km) trail running race matapos na masawi ang isang Pinoy runner nang dumaing siya ng pangangapos ng paghinga sa Sta Cruz, Davao del Sur, ayon sa ulat kahapon.
Sa report ng Davao del Sur Police, kinilala ang ang nasawing biktima na si Kenneth Jan Namoc, isang bihasa sa ultra-distance running race na sinasabing bigla na lamang sumama ang pakiramdam habang paakyat sa mataas na bahagi ng bulubunduking lugar.
Ang insidente ay naganap noong Linggo, Nobyembre 22 sa kasagsagan ng Sta Crus (SC) 70 ultramarathon na nilahukan ng mga mahuhusay na runners sa nasabing kompetisyon.
Kinumpira rin ng Asia Trail Master community ang trahedya sa pagkasawi ni Namoc sa nasabing insidente at ipinaabot ang pakikidalamhati sa naulila nitong pamilya.
Base pa sa ulat, bigla na lamang bumagsak si Namoc habang sumasabak sa running event kaya agad dinala ng mga organizers sa Malta Hospital sa Toril, Davao City pero idineklarang dead-on-arrival.
Nabatid na nitong unang bahagi ng 2026, si Namoc, isang aktibong ultramarathoner sa Men’s 20-34 Division ay kabilang sa talaan sa Grandmaster Quest. Bago ito, sa SC70 event ay tatlong beses na nitong nakopo ang 3-finisher points sa partisipasyon sa The Punisher, ang 80km race; Camiguin Island Trail, isang 70km run at ang Vietnam Jungle Marathon, na nasa 70km kompetisyon na ginanap mahigit isang buwan bago nasawi ang biktima.
Kaugnay nito, kinalampag ng komunidad ng mga trail runners ang kahalagahan ng kahandaan sa emergency, epektibong rescue operations, medical support, at masusing medical assessment sa mga manlalaro.
- Latest
















