^

Probinsiya

Mag-utol dinedo sa inuman

Victor Martin at Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Bumulagta ang magkapatid na minero makaraang pagbabarilin ng kainumang minero na nai­rita sa kanilang kayabangan sa mine site ng Sitio Balconi, Barangay Runruno, bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya kamakalawa. ?

Kinilala ni case investigator SPO1 Renato Dinamling ang mga napatay na sina Bryan Habbiling, 28; at Larry Frit Habbiling, 25, mga nakatira sa Barangay Mompolia sa bayan ng Hingyon, Ifugao.?

Nadakip naman sa bahay ng kaanak sa bayan ng Bayombong ang suspek na si Rolly Tayaban Bango, 30, ng Barangay Tapao sa bayan ng Nagtipunan, Quirino. ?

Lumilitaw na lango sa alak ang tatlo at iba pa nilang kainuman nang mayabangan si Tayaban sa pagmamalaki ng magkapatid na mga dati silang bilanggo.?

Upang patunayang hindi sasantuhin ng kanyang baril ang kaangasan ng dalawa ay niratrat sila ni Tayaban sa harap ng mga kainuman at nagulantang saka tumakas.?

Hindi naman narekober ng pulisya kay Tayaban ang ginamit na cal.45 pistol na ginamit sa krimen.

vuukle comment

ACIRC

BARANGAY MOMPOLIA

BARANGAY RUNRUNO

BARANGAY TAPAO

BRYAN HABBILING

LARRY FRIT HABBILING

NUEVA VIZCAYA

RENATO DINAMLING

ROLLY TAYABAN BANGO

SITIO BALCONI

TAYABAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with