^

Probinsiya

Ex-chairman, gas boy utas sa holdapan

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Napaslang ang dating barangay chairman at gasoline boy makaraang pagbabarilin ng  riding-in-tandem gunmen sa naganap na holdapan sa gasolinahan sa Barangay Bigaa, Legazpi City, Albay noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina ex-Chairman Samuel Lodor ng Barangay Bariis at Ryan Baraquel, gasoline boy sa Foursome Gasoline Station kung saan idineklarang patay sa ospital. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Marlo Meneses, nagpapakarga ng gasolina sa kanyang motorsiklo si Lodor nang tabihan at ratratin ng tandem. Kahit sugatan ay nakatakbo pa palayo ang biktima subalit hinabol siya at muling pinutukan kung saan tinamaan naman ng ligaw na bala ang gasoline boy na si Baraquel.  Nagawang tangayin ng mga holdaper ang shoulder bag na naglalaman ng malaking halaga ni Lodor.

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY BARIIS

BARANGAY BIGAA

BARAQUEL

CHAIRMAN SAMUEL LODOR

FOURSOME GASOLINE STATION

LEGAZPI CITY

LODOR

MARLO MENESES

RYAN BARAQUEL

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with