^

Probinsiya

Barko sumabog: 6 tripulante grabe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim na tripulante ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang masunog ang  isang cargo vessel habang nakadaong  sa pantalan ng Bacolod City, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Office of Civil Defense, bigla na lamang nagliyab at sumabog ang  SF Adventure Cargo Vessel na nakadaong sa  BREDCO Port dakong alas-10 ng umaga.

Kinilala ang mga sugatang sina Ronelo Cavalcar, Deo Norico, Froilyn Sembrano na pawang residente ng Iloilo; Ped­rito Mahinay ng Bacolod City; Inocencio Sarbido ng Cebu; at si Artemio Rosales ng Leyte na pawang  nalapnos ang mga mukha hanggang paa at kasalukuyang ginagamot sa Western Visayas Regional Hospital.

Sinasabing ilan sa mga biktima ay itinakbo sa pagamutan na walang mga saplot na sanhi ng pagsabog at pagliyab na naganap sa bahagi ng barko.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection at PNP, bandang alas-10 ng umaga nang magliyab ang cargo vessel.

Ayon sa ilang survivors, isang malakas na pagsabog ang narinig bago nagliyab ang bahagi ng engine room ng barko kung saan naroon ang mga biktimang nagwe-welding.

Naagapan naman ang sunog bago pa kumalat sa buong barko na may mga kargang bakal at mga construction materials dahil sa mabilis na pagresponde ng mga bumbero.

vuukle comment

ADVENTURE CARGO VESSEL

ARTEMIO ROSALES

BACOLOD CITY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DEO NORICO

FROILYN SEMBRANO

INOCENCIO SARBIDO

NEGROS OCCIDENTAL

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with