^

Probinsiya

Holdapan: Konduktor, dispatcher pinabulagta

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - – Napaslang ang konduktor at disptacher ng pampasaherong bus matapos na barilin ng dalawang armadong lalaki na nangholdap kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Concepcion, bayan ang Sa­riaya, Quezon. Napuruhan sa kani-kanilang ulo ang mga biktimang sina Francisco Ped­rahita, conductor, at Lewino Lizano, dispatcher. Sa ulat ni P/Chief Insp. Joel de Mesa, nagdeklara ng holdap ang dalawang di-kilalang lalaki sa mga pasahero ng Raymund Bus (UWG 333)  na minamaneho ni Ariel Marantan. Matapos limasin ang mga gamit at pera ng mga pasahero ay nagpaputok ang mga holdaper kung saan tumama sa dalawang biktima na nakaupo sa unahang bahagi ng bus. Nang ihinto ng driver ang bus ay sinabayan ng pagtakas ng dalawa at sumakay sa motorsiklo na patungo sa Brgy. Concepcion Palasan.

 

vuukle comment

ARIEL MARANTAN

BARANGAY CONCEPCION

BRGY

CHIEF INSP

CONCEPCION PALASAN

FRANCISCO PED

LEWINO LIZANO

MATAPOS

RAYMUND BUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with