^

Probinsiya

Bus vs bike: 2 katao todas

- Tony Sandoval - The Philippine Star

QUEZON, Philippines - Isang araw bago pasinayaan ni Pangu­long Benigno “Noynoy” Aquino III ang 7.5 KM na Candelaria bypass road ay nadilig na agad ito ng dugo matapos na banggain at kaladkarin ng pampasaherong bus ang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Barangay Malabanban Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Patay agad sa pinangyarihan ng aksidente si Corazon Pasia ng San Juan, Batangas samantalang naisugod pa sa Candelaria District Hospital si Augusto Magpaye subalit namatay din.

Sa ulat ni P/Supt. Fran­cisco Ebreo, chief of police, dakong alas-7 ng gabi nang makasalubong ng motorsiklo  ang Raymund Bus ( EVL-993 ) ni Edmundo Terrano na patungong Lucena City, Quezon.

Sa lakas ng pagkaka­bangga ay tumilapon ang motorsiklo at nakaladkadkung saan nalasog ang mga biktima.

Sumuko sa himpilan ng pulisya ang driver ng bus na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide.

vuukle comment

AUGUSTO MAGPAYE

BARANGAY MALABANBAN SUR

CANDELARIA

CANDELARIA DISTRICT HOSPITAL

CORAZON PASIA

EDMUNDO TERRANO

LUCENA CITY

QUEZON

RAYMUND BUS

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with