^

Probinsiya

2 holdaper bulagta sa shootout

- Boy Cruz - The Philippine Star

BULACAN, Philippines - Dalawang kalalakihan na sinasabing notoryus na holdaper ang napatay sa kasagsagan ng buhos ng ulan matapos makipagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya sa bahagi ng Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Walang makuhang ma­pagkakakilanlan sa dalawang napatay na nakasuot ng maong na puruntong, puting t-shirt at bullcap.

Sa police report na nakarating kay Bulacan PNP director P/Senior Supt. Fer­nando Mendez Jr., hinoldap ng dalawa ang gasolinahan sa bisinidad ng Barangay Guinhawa bago tumakas tangay nang di-nabatid na halaga.

Gayon pa man, naipa­abot naman ng ilang kawani ng gasolinahan ang insi­dente sa pulisya kaya inilatag ang follow-up operation.

Dito na namataan ang dalawang holdaper na nag­lalakad sa bahagi ng Capitol View Park kaya tinangkang sitahin ng pulisya subalit pinaputukan sila hanggang sa mauwi sa shootout.

Narekober ang dalawang cal. 38 revolver habang ina­alam pa ang pagkakakilanlan sa dalawang napatay.

vuukle comment

BARANGAY BULIHAN

BARANGAY GUINHAWA

BULACAN

CAPITOL VIEW PARK

DALAWANG

DITO

MALOLOS CITY

MENDEZ JR.

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with