^

Probinsiya

Selosong mister nanunog

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Sa sobrang panibugho at pagseselos sa sariling misis ay nagawang sunugin ng 51-anyos na mister ang kanilang bahay sa Barangay Sta. Maria sa bayan ng Buguey, Cagayan kamakalawa. Nabatid na bago maganap ang insidente ay nagkasagutan ang suspek na si Aries Cabe at ang misis nitong si Vangie kaugnay sa panlalamig sa kanya nito dahil may kinakatagpo itong mas makisig na mangingibig. Sa pag aakalang humupa na ang bangayan, inakala ng misis at kanyang mga anak na nahimasmasan ang kanilang ama matapos itong lumabas ng bahay. Nagkamali ng akala ng mag-iina dahil sa sinabuyan ng gasolina ang kanilang bahay bago sinilaban ng suspek. Kulungan ang binagsakan ng suspek habang inihahanda ang kasong arson laban sa kanya.

vuukle comment

ARIES CABE

BAHAY

BARANGAY STA

BUGUEY

KANILANG

KULUNGAN

MISIS

NABATID

NAGKAMALI

VANGIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with