^

Probinsiya

Pastor na ‘killer’ ng nursing student sumuko

Ed Amoroso, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pastor na ‘killer’ ng nursing student sumuko
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Sumuko na kahapon sa pulisya ang isang 26-anyos na pastor na umamin na nasa likod ng pagpaslang sa isang 20- anyos na nursing student na natagpuan sa isang bakanteng lote noong Sabado sa Brgy. Sapul, Calapan City.

Ang biktimang si Maru Gabayno, 3rd year na kumukuha ng Bachelor of Nursing sa Saint Anthony College sa Calapan City ay walang pang-ibabang saplot at may saksak sa dibdib na siya nitong ikinasawi.

Batay sa report, ang pastor ay sumuko kay P/Col. Gerry Laylo, hepe ng MIMAROPA Regional Intelligence Division (RID) na bumiyahe pa sa Maynila upang sunduin ang suspect sa isang simbahan malapit sa Legarda Street sa Sampaloc, Manila.

Isa ring pastor sa nasabing simbahan ang kumumbinse sa suspect para sumuko matapos namang tumakas na sumakay ng barko patungong Batangas City at mula rito ay bumiyahe na patu­ngong Maynila.

Ang suspect ay pinosasan at ibi­niyahe pabalik sa lungsod ng Calapan para sa booking procedure at ikinulong.

Sa imbestigasyon, inamin ng suspect ang krimen at sinabing kasintahan niya ang biktima at may isang buwan na umano ang kanilang relasyon.

Inihayag nito na nagawa umano niya ang krimen dahil bina-blackmail siya ng dalaga sa ipinagbubuntis nito gayong hindi naman umano sila nagtatalik na labis niyang ikinagalit na humantong sa pamamaslang.

Nagdesisyon ang pastor na sumuko upang hindi na madamay pa ang kanilang simbahan sa nasabing isyu.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with