P6.7 bilyong Alabat wind farm sa Quezon, operational na
ALABAT, Quezon, Philippines — Panibagong kasaysayan sa larangan ng renewable energy ang naitala sa lalawigan ng Quezon matapos na opisyal na maging operasyonal ngayong Nobyembre 2026 ang 64-megawatt (MW) Alabat Wind Farm sa Alabat Island.
Ang P6.7-bilyong proyekto ng Alternergy ay gumagamit ng mga dambuhalang 8-MW wind turbine na itinuturing na pinakamalaki at pinakamalakas sa Pilipinas at kabilang sa pinakamalalaki sa Timog-Silangang Asya.
Tampok din sa proyekto ang kauna-unahang overhead sea-crossing transmission link sa bansa na direktang naghahatid ng kuryente mula Alabat Island patungo sa Luzon power grid sa pamamagitan ng mga linya ng kuryenteng tumatawid sa ibabaw ng dagat.
Inaasahang makapaghahatid ang Alabat Wind Farm ng malinis at renewable na enerhiya na sapat para sa mahigit 218,500 kabahayan, habang higit pang pinatitibay ang papel ng Quezon Province bilang isa sa mga sentro ng renewable energy sa Pilipinas.
- Latest

















