^

Probinsiya

Trike vs trike: Buntis patay, mag-ama grabe

-

ZAMBALES, Philippines – Nasawi ang 8-buwang buntis na misis, habang malubha naman ang mag-ama nito matapos magsalpukan ang dalawang traysikel sa harap ng gasolinahan sa Barangay Inhobol sa bayan ng Masinloc, Zambales noong Sabado ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Rochelle Cabalic, 28, habang nasa kritikal naman ang mag-amang Efren Cabalic, 29; at Ashley Cabalic, 5, pawang nakatira sa Barangay Sta. Rita.

Lumilitaw na bumabagtas ang traysikel ni Cabalic sa nasabing highway nang mahagip ng traysikel ni Edwin Edano ang gulong ng sidecar ng pamilya Cabalic.

Dito natanggal ang gulong at nagpagulung-gulong sa highway ang traysikel kung saan nadaganan ang mga biktima.

Naisugod sa Candelaria District Hospital ang mga biktima subalit idineklarang patay si Rochelle.

Samantala, sumuko naman sa pulisya ang driver na si Edaño. Randy Datu at Alex Galang

vuukle comment

ALEX GALANG

ASHLEY CABALIC

BARANGAY INHOBOL

BARANGAY STA

CANDELARIA DISTRICT HOSPITAL

DITO

EDWIN EDANO

EFREN CABALIC

RANDY DATU

ROCHELLE CABALIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with