^

Probinsiya

Lola todas sa akyat-bahay

-

BATANGAS, Philippines  – Karumal-dumal ang sinapit ng isang 84-anyos na lola matapos patayin ng apat na miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa bayan ng Nasugbu, Batangas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Renato Mercado, hepe ng Nasugbu PNP ang biktimang si Maria Guevarra ng San Agustin Street sa Barangay 4 sa nabanggit na bayan.

Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto naman ang dalawa sa apat na suspek na si Sammy Husay, 18, ng Barangay 11 at Armando Mangabat Jr., 23, ng Silang, Cavite.

Samantala, tugis naman ang dalawang suspek na sina Ronald Comia at Rafael Comia.

Lumilitaw na pinasok ng mga suspek ang bahay ng lola at iginapos ito kasama ang kasambahay na si Amparo Gumiit.

Gayon pa man, naalarma ang mga kapitbahay nang marinig ang komosyon sa bahay ng lola kaya mabilis na sumaklolo ang mga ito.

Sa pag-aakalang masusukol ng taumbayan, mabilis na tumakas ang mga suspek sa likuran ng bahay nang wala man lang natangay na mga gamit ng biktima.

Sa kasamaang palad, namatay ang matanda matapos ma-suffocate nang lagyan ng packaging tape ang mukha kaya inatake rin sa puso habang nakaligtas naman si Gumiit.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

AMPARO GUMIIT

ARMANDO MANGABAT JR.

MARIA GUEVARRA

NASUGBU

RAFAEL COMIA

RENATO MERCADO

RONALD COMIA

SAMMY HUSAY

SAN AGUSTIN STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with