^

Probinsiya

2 coed utas sa killer van

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Dalawang college student ang iniulat na nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ang kanilang motorsiklo ng van sa Maharlika Highway, Barangay Bangad sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga nasawing sina Carl Joseph Sibolboro, 17; at Jamill John Lauz, 21, kapwa nakatira sa Barangay Camp Tinio sa nasabing lungsod. Naisugod naman sa Good Samaritan Hospital ang sugatang si Aaron Garcia. Lumilitaw na magka-convoy ang mga motorsiklo ng mga biktima sa hangganan ng Barangay Bangad at Barangay Lourdes nang salpukin ng puting Nissan Urvan (PBI-141) ang motorsiklo ng tatlong estudyante. Ayon sa pulisya, hindi naman huminto ang van subalit nakuha naman ang numero ng plaka kaya kasalukuyang bineberipika sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

vuukle comment

AARON GARCIA

BARANGAY BANGAD

BARANGAY CAMP TINIO

BARANGAY LOURDES

CABANATUAN CITY

CARL JOSEPH SIBOLBORO

GOOD SAMARITAN HOSPITAL

JAMILL JOHN LAUZ

MAHARLIKA HIGHWAY

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with