^

Probinsiya

Jeepney operator kinatay ng pamangkin

- Ni Boy Cruz -

BULACAN ,Philippines  – Naudlot ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ng isang 45-anyos na jeepney operator na dating overseas Filipino worker makaraang pagsasaksakin at mapatay ng kanyang pamangking lalaki dahil sa pananalapi kahapon sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay si Conchita Barotag ng Nayong Lourdes Subd. sa Barangay Maharlika habang naaresto naman ang suspek na si Abundio Saldino, 19.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Fer­nando Mendez Jr. lumilitaw na kinompronta ng biktima ang kanyang pamangkin dahil sa malimit na kulang ang ibinibigay na boundary kada araw sa ipinapasadang pampasaherong jeepney.

Humantong sa sigawan ang matinding pagtatalo hanggang sa maganap ang pananaksak sa loob ng bahay ng biktima.

Hindi pa nakontento sa ginawang pananaksak ay inuntog pa sa sementadong sahig ang ulo ng biktimang humihingi ng saklolo sa ilang kapitbahay.

Upang makaiwas sa isinagawang krimen, nag-alibi ang suspek sa pulisya na nilooban ang kanyang tiyahin saka sinaksak ng mga 'di-kilalang miyembro ng Akyat-Bahay Gang.

Dahil sa magkakaibang salaysay ng suspek ay hindi nakumbinsi ang mga imbestigador kaya kinalaunan ay inamin nito ang krimen.

vuukle comment

ABUNDIO SALDINO

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY MAHARLIKA

BULACAN

CONCHITA BAROTAG

DAHIL

MENDEZ JR.

NAYONG LOURDES SUBD

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with