^

Probinsiya

Mountaineer natagpuang patay

- Ni Mer Layson -

RIZAL, Philippines – Bangkay na nang matagpuan ang isang 25-an­yos na mountaineer na apat na araw nang nawawala matapos na mahulog sa ilog at tangayin ng tubig sa Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Nabatid na dakong alas-6  ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Adrian Alba ng mga tauhan ng Montalban Rescue Team at Rodriguez PNP, kasama ang mga tauhan ng Phillipine Coast Guard.

Nakaipit ang bangkay ng 4th year college student sa ma­laking tipak na bato sa Sitio Wawa sa Barangay San Rafael kung saan ito tinangay ng agos matapos makabitiw sa lubid noong Linggo sa Sitio Kayrupa.

Ang biktima na nakatira sa Barangay Rizal, Makati City ay kasama ng 24-mountaineers nang bisitahin ang makasaysayang  Wawa Dam at Pamitinan Cave.

Sinasabing hindi nagpaalam ang mga mountainer sa mga tauhan ng Rodriguez Tourism at DENR na  nakabase sa  Wawa Dam na magtutungo sa Sitio Kayrupa.

Gayon pa man, nagtuloy ang grupo sa bundok kung saan habang tumatawid sa ilog ay minalas na makabitiw sa lubid ang biktima.

vuukle comment

ADRIAN ALBA

BARANGAY RIZAL

BARANGAY SAN RAFAEL

MAKATI CITY

MONTALBAN RESCUE TEAM

PAMITINAN CAVE

PHILLIPINE COAST GUARD

RODRIGUEZ TOURISM

SITIO KAYRUPA

WAWA DAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with