^

Probinsiya

Ahente ng lupa pinabulagta

- Ni Boy Cruz -

BULACAN ,Philippines  – Isang 57-anyos na ahente ng lupa ang iniulat napatay makaraang pagbabarilin ng kanyang kabaro at kasosyo sa trabaho sa Barangay Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan kahapon ng umaga. Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Antonio Rivera habang nasakote naman ang suspek na si Eduardo Reyes, 53, ng Rocka Village sa Barangay Tabang, Plaridel, Bulacan.  

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Fer­nando Mendez Jr. naganap ang krimen sa bakuran ng biktima matapos bumaba sa van kasama ang bayaw na si Rex Magno.

Naisugod sa ospital ang biktima kung saan sinundan pa ng suspek para kumpirmahin ang kalagayan ng kanyang kaibigan.

Dito namukhaan ng ilang kaanak si Reyes na responsable sa pamamaril sa biktima kaya kinuyog ito kung saan nagkataon naman may ilang pulis kaya naaresto ang suspek.

vuukle comment

ANTONIO RIVERA

BARANGAY STO

BARANGAY TABANG

BULACAN

CRISTO

EDUARDO REYES

MENDEZ JR.

REX MAGNO

ROCKA VILLAGE

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with