Rapist ng 15-anyos arestado
OLONGAPO CITY, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 31-anyos na lalaki matapos maaresto ng pulisya sa kasong panghahalay sa isang 15-anyos na babae noong 2010 sa Barangay East Tapinas sa Olongapo City. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Norman Pamintuan ng Regional Trial Court Branch 73, nadakma ang suspek na si Glen Dela Cruz. Base sa ulat ni P/Senior Insp. Teejay Tejada, naganap ang panghahalay sa bahay ng akusado noong Agosto 9, 2010 kung saan nadiskubre ang krimen matapos ipagbigay-alam ng biktima sa kanyang ina. Kasalukuyang nasa pangangalaga ng People’s Recovery Empowerment Development Assistance ang biktima.
- Latest
- Trending