^

Bansa

Hong Kong: Ang bagong sentro ng paglago ng negosyong Pilipino

Philstar.com
Hong Kong: Ang bagong sentro ng paglago ng negosyong Pilipino
Matatagpuan malapit sa metropolitan core ng Shenzhen, ang Northern Metropolis ang magsisilbing pangunahing I&T hub ng Hong Kong at mahalagang tulay sa mas malalim na kooperasyon sa loob ng Greater Bay Area.

MANILA, Philippines — Sa loob ng mahigit isang dekada, napatunayan ng Pilipinas ang kakayahan nitong maging isa sa mga pangunahing puwersa ng paglago sa Asya. Mula sa matatag na industriya ng electronics hanggang sa pagkakaroon ng isa sa pinakamalaki at pinakabatang English-speaking workforce sa mundo, nakapagtatag ang bansa ng isang ekonomiyang lumalawak na pandaigdigang ugnayan.

Hindi na lamang business process outsourcing (BPO) ang kinikilalang lakas ng Pilipinas. Mas maraming kumpanyang Pilipino ang lumilipat sa mas mataas na antas ng value chain—mula sa tradisyunal na back-office operations tungo sa knowledge-based services, digital solutions at advanced electronics.

Kasabay nito, muling binabago ng rehiyonal na paglipat ng mga supply chain sa Asya ang takbo ng pandaigdigang kalakalan. Dagdag pa rito, ang walang taripang pagpasok ng mga produktong Pilipino sa Hong Kong ay nagbibigay sa mga negosyo ng mas mabilis at mahusay na daan patungo sa mas malawak na pamilihan ng Asya.

Ngunit para sa maraming negosyong Pilipino, hindi na sapat ang maging mahusay sa outsourcing. Ang susunod na yugto ng paglago ay nakatuon na sa paglikha ng mas mataas na halaga—sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng mga produkto, pagbuo ng makabagong teknolohiya, pagkuha ng pandaigdigang kapital at pagpapalawak ng operasyon sa iba't ibang merkado.

Sa madaling sabi, hindi na ang tanong ay kung dapat bang lumawak sa Asya. Ang mas mahalagang tanong ngayon ay kung saan pinakamainam itatag ang regional headquarters, saan pinakamadaling makakakuha ng kapital, at saan maaaring mapabilis ang pandaigdigang paglago ng negosyo.

Ito ang hamong tinutugunan ng Hong Kong sa pamamagitan ng Northern Metropolis—isang malawak na development project na inaasahang magiging susunod na sentro ng innovation and technology (I&T) ng lungsod.

Isang lugar para bumuo, isang merkadong handang pasukin

Para sa anumang kumpanyang nagpaplanong palawakin ang operasyon sa Asya, dalawang bagay ang mahalaga: isang lugar kung saan maaaring bumuo at magpalawak ng negosyo, at isang merkado o pamilihang may sapat na kapital at koneksiyon upang suportahan ang paglago.

At pareho itong iniaalok ng Hong Kong ngayon.

Ang Northern Metropolis ay sumasaklaw sa humigit-kumulang 30,000 hectare sa hangganan ng Mainland China at nakatuon sa pagpapaunlad ng innovation at technology industries. Samantala, nananatiling isa ang Hong Kong sa pinakamalalaking sentro ng pananalapi sa mundo, na may malalim na capital markets at matatag na imprastraktura para sa pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan.

Para sa mga kumpanyang Pilipino, nagbubukas ito ng isang natatanging oportunidad. Maaaring ipagpatuloy ang engineering, product development at manufacturing sa Pilipinas habang inilalagay sa Hong Kong ang regional headquarters, research and development (R&D) at access sa pandaigdigang kapital. Sa ganitong paraan, ang isang kumpanyang nagsimula bilang cost-competitive manufacturer ay maaaring maging isang mas mataas ang halagang pandaigdigang negosyo.

Lumalalim ang ugnayan ng Hong Kong at ASEAN

Makikita na ang lumalakas na interes ng mga negosyo sa rehiyon sa Northern Metropolis.

Noong Hunyo 2026, inilunsad ang ASEAN Chamber of Commerce (Hong Kong), isang hakbang na higit pang nagpapatibay sa ugnayan ng Hong Kong at mga bansang kasapi ng ASEAN. Sa mismong unang araw ng paglulunsad nito, mahigit 100 delegado ang lumahok sa isang guided tour ng Northern Metropolis—isang malinaw na indikasyon ng lumalaking interes ng mga negosyo sa mga oportunidad na iniaalok ng proyekto.

Hindi ito nakapagtataka. Sa loob ng 16 na magkakasunod na taon, nanatiling ikalawang pinakamalaking trading partner ng Hong Kong ang ASEAN. Noong unang kalahati ng 2026, tumaas din ng halos 30% ang bilang ng mga kumpanyang mula sa ASEAN na tinulungan ng InvestHK na magtatag o magpalawak ng kanilang operasyon sa lungsod, kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Kasabay ng paglago ng kalakalan ay ang pagpasok ng mas maraming pribadong pamumuhunan mula sa rehiyon.

Isa sa mga halimbawa nito ang pamilya Kho ng Pilipinas. Sa loob ng mahigit apat na dekada, pinalawak ng kanilang grupo ang negosyo sa likas na yaman, shipping, real estate at investment management. Kamakailan, itinatag ng pamilya ang kanilang family office sa Hong Kong—isang hakbang na nagpapakita ng kumpiyansa sa lungsod bilang sentro ng pamamahala ng yaman at pandaigdigang pamumuhunan.

Para sa maraming negosyo at high-net-worth families sa Pilipinas, ang Hong Kong ay hindi na lamang destinasyon para sa kalakalan. Unti-unti na rin itong nagiging sentro para sa pamamahala ng kapital, pandaigdigang pagpapalawak ng negosyo, at pangmatagalang investment strategy.

North Engine: Ang bagong makina ng paglago ng Hong Kong

Saklaw ang halos isang-katlo ng kabuuang lupain ng Hong Kong sa kahabaan ng hangganan ng Shenzhen, ang Northern Metropolis ang pangunahing haligi ng tinatawag na “north engine” ng isang dual-engine economy.

Ang hilagang bahagi ng Hong Kong ang naging tahanan ng innovation, technology at mga bagong industriya, habang mananatiling sentro ng pananalapi, propesyonal na serbisyo, at pandaigdigang negosyo ang katimugang bahagi.

Sa buong Asya, dumarami ang mga master-planned economic zones na naglalayong pagsamahin ang industriya, teknolohiya at pandaigdigang kalakalan. Isa sa mga kilalang halimbawa nito ang Johor–Singapore Special Economic Zone.

Kapantay ng mga proyektong ito ang lawak at ambisyon ng Northern Metropolis, ngunit may isang mahalagang kalamangan ang Hong Kong: mula pa lamang sa simula, direktang nakakabit ang proyekto sa isa sa mga nangungunang international financial centers sa mundo.

San Tin Technopole: Sentro ng susunod na henerasyon ng inobasyon

Sa gitna ng Northern Metropolis matatagpuan ang San Tin Technopole, isang development na inaasahang magiging pangunahing innovation cluster ng Hong Kong.

Mahigit 200 hectares ang inilaan para sa research and development (R&D) at bagong industriyalisasyon sa mga larangan ng life sciences, artificial intelligence (AI), robotics at green technology.

Layunin ng proyekto na hindi lamang magtayo ng mga pasilidad para sa pananaliksik at negosyo, kundi bumuo rin ng isang moderno, sustainable at livable community na makaaakit ng mga kumpanya, researchers, at highly skilled professionals mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Samantala, ang Hong Kong–Shenzhen Innovation and Technology Park (HSITP) ay magsisilbing mahalagang tulay sa pagitan ng Hong Kong at Shenzhen. Bilang isang cross-border innovation platform, pinadadali nito ang malayang pagdaloy ng talento, kapital, datos, at mga produkto—mga salik na mahalaga sa mabilis na pag-usbong ng mga industriyang nakabatay sa teknolohiya.

Kasabay nito, pinalalakas din ang digital infrastructure ng lugar. Isang bagong data centre cluster sa Sandy Ridge, na may kabuuang lawak na higit 110,000 square meters, ang itinatayo upang suportahan ang lumalaking pangangailangan sa computing power para sa AI research at iba pang advanced technologies.

Hindi rin napag-iiwanan ang logistics.

Sa Hung Shui Kiu/Ha Tsuen, may nakalaang 32 hectares para sa isang makabagong logistics hub na mag-uugnay sa mga produktong mula sa Pilipinas at iba pang bahagi ng ASEAN sa manufacturing network ng Mainland China at sa pandaigdigang merkado.

Higit sa presyo ng lupa, pinahahalagahan and bisyon

Isa sa mga natatanging katangian ng Northern Metropolis ay ang paraan ng paglalaan ng lupa para sa mga mamumuhunan.

Sa maraming pangunahing lungsod sa mundo, karaniwang napupunta ang pinakamagagandang lokasyon sa pinakamataas ang alok. Sa Northern Metropolis, iba ang pananaw.

Hindi lamang presyo ang batayan ng pamahalaan sa pagpili ng mga proyekto. Mas mahalaga ang kakayahan ng isang kumpanya na makapaghatid ng pangmatagalang halaga sa ekonomiya—mula sa pagpasok ng mga nangungunang negosyo sa mga estratehikong industriya, bilis ng pagpapatupad ng proyekto, laki ng pamumuhunan, hanggang sa dami ng trabahong malilikha.

Sa katunayan, wala pang isang-katlo ng kabuuang pagsusuri ang nakabatay sa halaga ng financial bid.

Sa sistemang ito, mas nagkakaroon ng pagkakataon ang mga kumpanyang may malinaw na plano sa innovation at industriyal na pag-unlad na makakuha ng puwesto sa Northern Metropolis, kahit hindi sila ang may pinakamataas na alok. Para sa mga seryosong mamumuhunan, ang tunay na puhunan ay hindi lamang kapital kundi ang kalidad ng proyektong kanilang ihaharap.

Bukas na ang pintuan para sa pandaigdigang mamumuhunan

Makikita na ang lumalaking interes mula sa mga dayuhang kumpanya.

Sa Hung Shui Kiu/Ha Tsuen, inilunsad na ang unang malakihang tender para sa lupa sa ilalim ng Northern Metropolis. Nakapukaw ito ng interes mula sa mga kumpanyang nasa larangan ng medical technology, bagong enerhiya at big data.

Samantala, nakipagkasundo ang pandaigdigang pharmaceutical company na Pfizer sa Hong Kong–Shenzhen Innovation and Technology Park (HSITP) upang palawakin ang kooperasyon sa biotechnology incubation, clinical trials at pagpapaunlad ng talento.

Ipinakikita ng mga hakbang na ito na nagsisimula nang mabuo ang innovation ecosystem na layong akitin hindi lamang ang malalaking multinational corporations kundi maging ang mabilis na lumalagong mga kumpanya mula sa Asya.

Ayon kay Arnold Lau, associate director-general of Investment Promotion ng InvestHK, “Ang Greater Bay Area ay isa sa pinakamasiglang rehiyong pang-ekonomiya sa mundo. May ekonomiyang nagkakahalaga ng humigit-kumulang $2 trillion, mahigit 88 million na mamimili, at kamakailan ay kinilala ng World Intellectual Property Organization (WIPO) bilang nangungunang innovation cluster sa buong mundo. Para sa mga kumpanyang Pilipino, ang Northern Metropolis ang magiging pangunahing pintuan sa ekosistemang ito—isang lokasyong nakabatay sa common law system ng Hong Kong, may malayang pagdaloy ng kapital, talento, at datos, at ilang minuto lamang ang layo mula sa manufacturing at research capabilities ng Mainland China. Ito ang bagong yugto ng Hong Kong—mula sa pagiging isang super-connector tungo sa pagiging isang super value-adder.”

(The Greater Bay Area is one of the most dynamic economic regions on earth — a US$2-trillion economy, 88 million consumers, and recently ranked by WIPO as the world's leading innovation cluster.," said Mr Arnold Lau, Associate Director-General of Investment Promotion. "For Filipino companies, the Northern Metropolis is the doorway into that ecosystem — a base running on Hong Kong's common law system and the free flow of capital, talent and data, minutes from the Mainland's manufacturing and research strength. That is the essence of Hong Kong's evolution from super-connector to super value-adder.”)

Isang hakbang patungo sa susunod na yugto ng paglago

Para sa mga negosyong Pilipino, ang Northern Metropolis ay higit pa sa isang bagong urban development project ng Hong Kong.

Isa itong estratehikong gateway sa susunod na yugto ng paglago ng Asya—kung saan nagsasama ang kalakalan, teknolohiya, inobasyon at pandaigdigang kapital sa iisang ecosystem.

Ang mga unang mamumuhunan ang inaasahang magkakaroon ng mahalagang papel sa paghubog ng susunod na kabanata ng Northern Metropolis.

Bilang investment promotion agency ng Hong Kong, handa ang InvestHK na maging katuwang ng mga negosyong Pilipino sa bawat yugto ng kanilang pagpasok sa merkado—mula sa pagpili ng lokasyon, pagproseso ng mga kinakailangang permit at lisensya, pag-access sa talento at kapital, hanggang sa pagpapalawak ng kanilang operasyon sa rehiyon.

Para sa mga kumpanyang naghahanap ng susunod na hakbang sa kanilang pandaigdigang paglago, maaaring ang Northern Metropolis ang magsilbing bagong pintuan patungo sa mas malawak na oportunidad sa Asya.

 

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa InvestHK sa email ad na ito: [email protected]


Editor’s Note: Ang #BrandSpace story na ito ay isinulat kasama ang InvestHK at inilathala ng Advertising Content Team na hiwalay sa Philstar.com newsroom.


 

HONG KONG

INVESTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with