^

Bansa

‘Unhealthy’ air umabot na sa Visayas, Mindanao

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Unhealthy’ air umabot na sa Visayas, Mindanao
Parts of Metro Manila are seen blanketed by haze from a condominium in Manila on September 1, 2026
Noel Pabalate/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Bagama’t bahagyang bumuti ang kalidad ng hangin sa Metro Manila sa kabila ng haze mula sa forest fires sa Indonesia, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Miyerkules na ang “unhealthy” na hangin ay ngayon ay nakakaapekto na sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Jundy del Socorro, hepe ng Environmental Quality Management Division ng DENR, pitong lugar lamang sa Metro Manila ang nananatiling “unhealthy” para sa mga sensitibong grupo: Las Piñas, Makati, Malabon, Parañaque, Katipunan at Commonwealth sa Quezon City, at Taguig. Ang iba pang bahagi ng rehiyon ay nasa “fair” na antas.

Mas maganda na raw ito kumpara sa ulat ­nitong Martes, kung saan halos buong rehiyon ay “unhealthy.” Sa Central Luzon, bumuti rin ang kalidad ng hangin at nasa “good” hanggang “fair.”

Gayunman, nananatiling “unhealthy” ang hangin sa Puerto ­Princesa, Palawan. Samantala, nakapagtala na rin ng “unhealthy” na antas sa Talisay City (Cebu), Tagoloan (Misamis Oriental), Cagayan de Oro City, at Iligan City.

“Kahapon ng alas-5 ng hapon, na-obserbahan sa ASEAN Specialized Meteorological Center na ang hangin ay naggi-gear na patungong Visayas at Mindanao. Kaya’t medyo bumuti na ang kalidad ng hangin sa Metro Manila, pero naapektuhan na ang Visayas at Mindanao,” paliwanag ni del Socorro.

Nagbabala si Del Socorro sa publiko, lalo na sa may comorbidities at kabilang sa vulnerable sector, na mapanganib ang paglanghap ng fine particulate matter mula sa haze.

Kung “unhealthy,” manatili sa loob ng bahay kung maaari, o magsuot ng face mask kapag lalabas. Kung walang N95 mask, inirerekomenda ng DOH na basain ang ordinaryong face mask o tela gaya ng panyo para dumikit ang fine particles. Isara ang bintana at pinto, uminom ng tubig, at mag-vitamins.

Kung nakararanas ng hirap sa paghinga, matinding ubo, pananakit ng dibdib, o iba pang sintomas, agad kumonsulta sa doktor.

HAZE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with