^

Probinsiya

Ex-Cong. Barzaga sumuko sa ‘cyber libel’

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Ex-Cong. Barzaga sumuko sa ‘cyber libel’
Cavite 4th District Rep. Francisco Barzaga.
Photo from his Facebook page shows Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga

Sa panibagong arrest warrant

CAVITE, Philippines — Muling sumuko sa pulisya dito sa lalawigan sa ikalawang pagkakataon si dating Congressman Francisco “Kiko” Barzaga matapos na magpalabas ng panibagong warrant of arrest ang korte laban sa kanya sa kasong cyber libel, kahapon.

Base sa ulat ng pulisya, alas-3:45 ng hapon nang magtungo 27-anyos na dating kongresista, residente ng Don P. Campos Avenue, Barangay Zone 3, Dasmariñas City, Cavite, sa Dasmariñas Police Station at kusang loob na sumuko hinggil sa kasong Cyber libel under Section 4(C)(4) ng Republic Act 10175 na may kaugnayan sa Art 355 ng RPC sa ilalim ng Criminal Case number 26-64579 na inisyu ni Presiding Judge Suelynn T Lowir-Jolingan, ng Regional Trial Court, Bacolod City, Negros Occidental na may petsang Setyembre 4, 2026. 

Agad rin umanong nagpiyansa si Barzaga na tinaguriang “Congmeow” sa pamamagitan ng kanyang legal counsel sa halagang P48,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Matatandaan na una nang nakulong at sumuko ang dating kongresista dahil sa kaparehong kaso.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with