^

Probinsiya

Anak sinapian: Ama inutas, sinunog

- Nina Joy Cantos at Cesar Ramirez -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalang sinapian ng masamang espiritu ang isang 22-anyos na anak na lalaki kaya nagawang barilin sa ulo ang sariling ama saka sinilaban sa bakuran ng kanilang bahay sa Brgy. Abonit sa San Carlos City, Pangasinan kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang napaslang na si Pedro de Vera Sr., 73, habang ang suspek si Pedro de Vera Jr., alyas Jerry ay naaresto ng pulisya sa bayan ng San Jacinto kasama ang kanyang live-in partner na 17-anyos na babae.

Base sa ulat, binaril ng suspek ang sariling ama na natutulog gamit ang homemade shotgun (sumpak) ma­­­tapos ang mainitang pagtatalo. Nabatid na pinagsabihan ng biktima ang siga nitong anak na kinupit ang pera na kaniyang itinatago. 

Lumilitaw na sinunog ng suspek ang kanyang ama saka itinapon sa improvised na poso-negro na malapit sa kanilang bahay para itago ang brutal na krimen.

Nadiskubre ng mga kapitbahay ang sunog na bangkay ng matanda kinabukasan kaya ipinagbigay-alam sa kinuukulan kung saan rumesponde ang San Carlos City PNP sa pamumuno ni P/Supt. Marlon Tayaba at mga opisyal ng Barangay Macayug sa naturang bayan na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek kung saan pormal na kinasuhan.

vuukle comment

ABONIT

BARANGAY MACAYUG

BRGY

KINILALA

LUMILITAW

MARLON TAYABA

NABATID

SAN CARLOS CITY

SAN JACINTO

VERA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with