^

Probinsiya

Anak ginawang sex slave ng ama

- Ni Boy Cruz -

PULILAN, Bulacan, Philippines — Nagwakas ang kalbaryo ng isang 14-anyos na dalagita matapos masakote ng pulisya ang ama nito na ginawa siyang sex slave sa loob ng isang taon sa isinagawang operasyon sa Brgy. Sto. Cristo ng bayang ito kahapon. Hindi na nakapalag pa sa mga tauhan ni P/Supt. Myrna Reyes ang suspek na si Jose Velasco 48, obre­ro, tubong Masbate at residente ng naturang lugar habang kinilala lamang ang biktima sa pangalang Lotlot 14, Grade IV pupil. Base sa imbestigasyon ng pulisya nagsimula ang mapait na karanasan ng biktima noong Setyembre 2009 tu­wing umaalis ang kanyang ina na si Marilyn Alvares upang magtrabaho bilang tagalinis ng mga bote sa isang pabrika at dito ay ginagahasa ng suspek ang anak sa tuwing lango ito sa alak. Tinatakot umano ng suspek ang dala­gita na may masamang mangyayari kaya hindi agad ito naka­pag­sumbong. Hanggang sa nagkaroon ng lakas ng loob ang biktima na ipagtapat sa ina ang insidente na nagresulta sa pagkakadakip sa buhong nitong ama.

vuukle comment

BRGY

BULACAN

CRISTO

HANGGANG

JOSE VELASCO

LOTLOT

MARILYN ALVARES

MASBATE

MYRNA REYES

NAGWAKAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with