^

Probinsiya

6 suspek sa kidnap slay kinasuhan

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines Kinasuhan na ng pulisya ang anim na sus­pek sa pagkidnap at brutal na pagpatay sa mag-asawang Tsinoy trader at isa pang business partner sa bayan ng Alicia, Isabela.

 Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay itinuturong resonsable sa brutal na pagpatay sa mag-asawang sina Lucio Pua, 42; Rose­marie Pua, 40; at ang ka­nilang business partner na si Gemma Eugenio.

Kabilang sa pinaka­huling sumukong suspek kamakalawa ay sina Arvin Guirao, 42, ne­gosyante; at Robert Bac­cay, 38, kawani sa muni­sipyo ng Echague, Isabela.

Base sa record ng pu­lisya, ang mga biktima ay nagtungo sa Barangay Ipil, sa bayan ng Echague, Isabela upang kunin ang P1.3 milyong kabayaran ng kanilang negosyong palay kay Jaylord Dimal.

Nabatid na sumuko sa pulisya ang isa sa anim na suspek na si Eduardo Sa­pipi at umamin sa kanyang partisipasyon matapos usigin ng kanyang konsen­siya sa ginawang krimen.

Sina Dimal; Sapipi; Allan Castillo alias Gerald at isang Ernesto Villador na naunang sumuko ay na­unang kinasuhan.

vuukle comment

ALLAN CASTILLO

ARVIN GUIRAO

BARANGAY IPIL

ECHAGUE

EDUARDO SA

ERNESTO VILLADOR

GEMMA EUGENIO

ISABELA

JAYLORD DIMAL

LUCIO PUA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with