^

Manager binoga sa mukha

() - July 27, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang station manager ng RCPI, Western Union na sina­sabing pumalag sa holdap ang binoga sa mukha ng mga di-pa kilalang kalalakihan kamakalawa sa bisinidad ng Jaena Street sa San Nicolas, Poblacion sa bayan ng Con­cepcion, Tarlac. Ang biktimang nakikipaglaban kay ka­ma­tayan habang gina­ gamot sa Sta. Rita Hospital ay naki­lalang si Ariel Miclat, 26. Ayon sa police report na naka­rating sa Camp Crame, lumi­litaw na ang biktima ay nag-withdraw ng P.5 milyon at $1,000 sa Banco de Oro Concep­cion Branch para sa operasyon ng RCPI, Western Union. Gayon pa man habang naglalakad patungo sa kanilang opisina ay hinarang at tinutukan ng baril ng dalawang armadong lalaki. Pumalag naman ang biktima na ibigay ang kaniyang clutch bag na naglalaman ng nasabing pera kaya binaril ng holdaper sa mukha. Joy Cantos

ARIEL MICLAT AYON CAMP CRAME JAENA STREET JOY CANTOS ORO CONCEP RITA HOSPITAL SAN NICOLAS SHY WESTERN UNION
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with