Onsehan sa carnapping, motibo sa Gapo masaker
() - March 20, 2008 - 12:00am

Iniimbestigahan ngayon ng “Task Force Scarlet” ang anggulong onsehan ng sin­di­kato sa carnapping na pinaniniwalaang kinaaani­ban ng live-in partner ni Viva Hot Babe at FHM model Scarlett May Garcia na isa sa apat na minasaker ng mga ‘di-kilalang kalalakihan sa Barangay Gordon Heights sa Olongapo City noong Huwebes ng Marso 13.

Ayon kay Task Force Scar­let commander at Olon­gapo City PNP chief Senior Supt. Abelardo Villacorta, lumilitaw sa kanilang imbes­tigasyon na konektado sa carnapping syndicate si George Vitug Castro at posibleng nagka-onsehan ang nasabing grupo na hu­mantong sa malagim na krimen.

“May nakikita na kaming may kaugnayan sa kasong carnapping. Pero puwede itong nagkaroon ng onsehan sa kanilang dealing na ma­aaring naging dahilan ng kri­men,” dagdag pa ni Villa­corta.

Napag-alamang si George ay isang car dealer at pinsan ng isang pulis ng Traffic Management Group na si SPO1 Leopoldo Vitug Jr. na naunang nilinis ang kanyang pagkakasangkot sa krimen matapos na lumitaw na negatibo sa ballistic test ang kanyang .45 caliber pistol.

Ayon pa kay Villacorta, malaki ang posibilidad na kakilala ng mga biktima ang mga killer kaya pinaslang silang lahat sa aparment.

Matatandaan na noong Marso 13 ng madaling-araw ay natagpuan ang mga bang­kay ng apat na may mga tama ng bala ng baril kung saan tinangkang sunu­gin para itago ang krimen sa townhouse sa 52 B-Acacia St. ng nabanggit na bar­an­gay. (Joy Cantos at Alex Galang)

ABELARDO VILLACORTA ALEX GALANG AYON B-ACACIA ST. BARANGAY GORDON HEIGHTS GEORGE VITUG CASTRO JOY CANTOS LEOPOLDO VITUG JR. SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with