^

Probinsiya

Sangkot sa droga, niratrat ng tandem

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Inoobserbahan sa pagamutan ang isang lalaking diumano’y sangkot sa mga illegal na droga matapos na pagbabarilin ng 2 armadong suspek sakay ng isang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Brgy San Nicolas 3 Extension, Bacoor City.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa alyas “Jim”, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Nakatakas naman ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo na sina alyas “Pogi” at “Batan”, kapwa residente din ng lugar habang nagsilbing lookout ang isang alyas “Adoy”.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-8:50 ng gabi, naglalakad ang biktima sa street sa kanilang lugar nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang magkaangkas na suspek. Agad nilang dinikitan ang biktima at pinagbabaril bago tumakas.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, ang biktima ay sangkot umano sa mga illegal drug activities sa lugar kung kaya ito ang posibleng motibo sa naganap na pamamaril.

Patuloy ang manhunt operation ng pulisya laban sa mga suspek.

BACOOR CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with