^

Probinsiya

Nursing student, ina natusta sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Nursing student, ina natusta sa sunog
Kinilala ang mag-inang nasawi na sina Amalia Nebrija, biyuda at 22-anyos na si Grace Joy, 22, 3rd year nur­sing student na pawang halos hindi na makilala ng marekober ang mga bangkay.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang nursing student at 62-anyos na ina makaraang kapwa makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Talisay City , Cebu kamakalawa.

Kinilala ang mag-inang nasawi na sina Amalia Nebrija, biyuda at 22-anyos na si Grace Joy, 22, 3rd year nur­sing student na pawang halos hindi na makilala ng marekober ang mga bangkay.

Sa report ng Talisay City Fire Station, dakong alas-3 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa tahanan ng mag-ina sa Brgy. Tabunok ng lungsod

Ang sunog ay mabilis na kumalat na tumupok sa tahanan ng mag-ina kung saan kinatok pa ng mga opisyal ng Barangay at maging ng kanilang mga kapitbahay ang tahanan ng mag-ina pero walang tumutugon sa mga ito.

Nagresponde ang mga bumbero pero nadatnan na naka-lock ang gate ng 2-storey house ng mag-ina. Nahirapan din nila maapula ang apoy dahil sa mataas na bakod ng nasabing bahay.

Naapula naman ng mga bumbero ang sunog alas- 4 ng madaling araw kung saan matapos ang ilang oras ay narekober ang bangkay ng mag-ina na sunod na sunog.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang posib­leng anggulo ng foul play sa kasong ito dahil bago umano naganap ang insidente ay may nakaaway na kapitbahay ang mag-ina na pinagbantaan ang buhay.

CEBU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with