^

Probinsiya

Viva Hot Babe, 3 pa minasaker

- Nina Alex Galang at Joy Cantos -

OLONGAPO CITY — Apat katao kabilang ang FHM model at Viva Hot Babe na si Scarlet Garcia, ang iniulat na pinagbabaril hang­gang sa mapatay ng mga ‘di-pa kilalang lalaki kung saan tinangka pang sunugin ang mga bang­kay nito sa Ba­rangay Gor­don Heights sa Olon­gapo City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Abelardo Villacor­ta, Olonga­po City police director, mali­ban kay Garcia, kabilang pa sa mga biktimang pinatay sa loob mismo ng 3-storey town­house ay ang ka-live-in partner nitong si George Castor Vitug Jr., 27; pinsan ni starlet na si Rachel Es­tacio, 20; at si Ban “Wakee” Banderas, 20.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, bandang alas- 3:25 ng madaling-araw nang makatang­gap ng tawag sa tele­pono ang himpilan ng pulisya mula kay dating Barangay Chairman Damian Delos Santos hinggil sa nasusunog na townhouse na nireren­tahan nina Garcia at Vitug sa #52-B Acacia St., Gordon Heights.

Sinabi ng opisyal na noong una ay inakala ng mga imbestigador na sim­pleng sunog lamang ang in­sidente subalit nang mag­siyasat sa lugar ay unti-un­ting lumilitaw na pinas­lang ang mga biktima.

Gayon pa man, duda si Villacorta na ang sunog ay posibleng cover-up la­ mang sa kri­men mata­pos na ma­dis­kubreng may mga tama ng bala ng baril ang mga biktima.

Ayon pa kay Villa­corta, ka­salukuyan ni­lang iniimbes­tigahan ang anggulo na mi­ nasa­ker muna ang apat saka tinangkang sunugin ang mga bangkay sa townhouse na tinu­tuluyan ng mga ito.

Napag-alamang si Gar­cia at Estacio ay natag­pu­ang nakagapos ang mga kamay sa loob ng palikuran sa 2nd floor habang ang dalawang lalaki ay natag­puan na­man sunog ang mga katawan sa may sala na pawang pinag­babaril.

Lumilitaw sa imbes­tigas­yon na ang sunog ay nagsi­mula sa ikat­long pala­pag ng natu­rang town­house kung saan ang krimen ay po­si­bleng naga­nap sa pa­gitan ng alas-2 at alas-3 ng ma­daling-araw.

Ayon sa mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), bahagya lamang nasu­nog ang mga bangkay ng apat nang ma­tag­­puan ang mga ito.

Nabatid pa na bago ang insidente ay nag­karoon muna ng kasiya­han ang mga biktima kung saan nag-inu­man at nagkan­tahan pa.

Inaalam ng mga im­bes­tigador ang na­paulat na may dala­wang hindi kila­lang lalaki ang mabilis na lu­ma­bas bago pa ma­dis­ku­bre ang krimen.

vuukle comment

ABELARDO VILLACOR

AYON

B ACACIA ST.

BARANGAY CHAIRMAN DAMIAN DELOS SANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with