^

Probinsiya

3 kidnaper tiklo

-

QUEZON – Tatlong ka­lalakihan na pinaniniwa­laang mga kidnaper ang naaresto ng mga alagad ng batas makaraang mailigtas ang isang 10-anyos na ba­tang lalaki sa isinagawang follow-up operation sa Barangay Poblacion sa bayan ng Macalelon, Que­zon kamakalawa.

Sumasailalim sa interrogation ang mga suspek na sina Pedro Gadi, Ricardo Gutierrez at Elmer Santos na pawang naninirahan sa bayan ng Macabebe, Pam­panga.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naglalaro sa hara­pan ng kanilang bahay ang biktimang itinago sa pa­ngalang  Jason, 10, nang lapitan at tangkang isakay sa van ng tatlo ang bata. 

Nagkataon namang may nakasaksi sa insidente kaya naipagbigay-alam kaagad sa pulisya hang­gang sa makorner ang mga suspek sa nasabing ba­rangay at nailigtas naman ang bata. Inatasan na ni P/Senior Supt. Hernando Zafra, ang mga hepe ng pulisya sa 39-bayan at 2-lungsod sa Quezon kung may basehan nga ang naglalabasang ulat na may grupong nangingidnap ng mga bata at ipinagbibili sa mga dayuhang banyaga. (Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

ELMER SANTOS

HERNANDO ZAFRA

PEDRO GADI

RICARDO GUTIERREZ

SENIOR SUPT

SHY

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with