^

Probinsiya

Parak na rumesponde sa amok inatake sa puso, tigok!

-
CAVITE – Patay ang isang rumespondeng pulis matapos na atakihin sa puso nang ratratin ng isang nag-amok na obrero habang isa pa ang malubhang nasugatan at pagkatapos na walang habas na mamaril ay saka naman nagpakamatay ang suspek kamakalawa sa Brgy Iba, Silang, ng lalawigan.

Sa ulat ni P/Supt. Mario Marasigan, hepe rito, namatay sanhi ng cardiac arrest si PO3 Renato Maranan matapos rumesponde sa pag-aamok at pamamaril ng suspek na si Richard Orfanel, stay-in worker sa isang bukirin na pag-aari ni Avelino Tibayan, sa Brgy. Iba, Silang.

Patay na rin nang matagpuan ang nagwalang suspek matapos na umano’y barilin ang sarili.

Malubha namang nasugatan si Ken Rosales, 21, farm helper ng suspek matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Sa pagsisiyasat, dakong alas-11:20 ng umaga nang magwala ang suspek at armado ng M-16 armalite rifle at pinagbabaril ang kasamahan nitong si Rosales. Nang makitang duguan si Rosales ay pinasok naman nito ang bahay ng isang Jimmy Albento at dito na siya nakorner ng mga nagrespondeng pulis kabilang si Maranan. Sa halip na sumuko, pinagbabaril ng suspek ang mga pulis. Dahil na rin sa tindi na tensyon at nerbiyos, agad na nagsikip ang dibdib at nahirapan huminga si Maranan.

Agad namang pinasok ng pulisya ang kinaroroonan ng suspek upang arestuhin ito subalit nadatnan sa loob ng bahay ang suspek na duguan at may tama ng baril. Narekober ang isang cal 5.56 baby armalite rifle(colt) na walang serial number, 1 magazine at anim na basyo ng bala. (Cristina Go Timbang)

vuukle comment

AVELINO TIBAYAN

BRGY IBA

CRISTINA GO TIMBANG

JIMMY ALBENTO

KEN ROSALES

MARANAN

MARIO MARASIGAN

PATAY

RENATO MARANAN

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with