^

Probinsiya

Mag-iina inatado ng sabungero

-
CAMP CRAME — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 62-anyos na ina habang dalawa pa nitong anak ang nasa malubhang kalagayan makaraang pagtatagain ng kanilang kapitbahay na aksidenteng nabasa ng tubig habang nagdidilig ng halaman ang una sa Barangay Bito, Minglanilla, Cebu, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Aristona Sellota, samantalang patuloy namang ginagamot sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang magkapatid na sina Frediluna Balanzag, 42; at Marina Inot, 38.

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa suspek na si Eric Lopez, 52, isang masyador sa sabungan.

Ayon sa imbestigasyon, nagdidilig ng halaman ang matandang Sellota nang aksidente nitong mabasa ang dumaraang suspek na humantong sa komprontasyon.

Nang marinig ang pagtatalo, lumabas din ang dalawang anak na babae ni Sellota at ipinagtanggol ang kanilang ina kung saan ay nairita ang suspek na nagbanta na papatayin niya ang tatlo.

Sa puntong ito, kinuha ng suspek ang kanyang matalim na itak at agad na pinagtataga ang mag-iina. (Joy Cantos)

vuukle comment

ARISTONA SELLOTA

AYON

BARANGAY BITO

CEBU

ERIC LOPEZ

FREDILUNA BALANZAG

JOY CANTOS

MARINA INOT

SELLOTA

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with