^

Probinsiya

Tiyahin dinedo ng pamangkin

-
MALOLOS CITY, Bulacan — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 67-anyos na babae ng sariling pamangking 12-anyos na mag-aaral sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bantog sa bayan ng San Miguel, Bulacan, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ni PO1 Joseph Miranda ang biktima na si Violeta Sacay y Gatuz ng nabanggit na barangay, nakapiit naman sa himpilan ng pulisya ang suspek na itinago sa pangalan Alan, grade six student sa San Miguel Central School.

Ayon kay P/Chief Inspector Ernesto Basa, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit, pauwi na ang suspek mula sa pakikipanood ng telebisyon sa kapitbahay ng tawagin ng kanyang tiyahin.

Pumasok sa bahay ng biktima ang batang suspek, subalit agad siyang tinutukan ng kutsilyo sabay saksak sa kaliwang braso.

Napag-alamang nakipag-agawan ng kutsilyo ang suspek hanggang sa maagaw nito ang patalim sa kanyang tiyahin at sinaksak ng tatlong ulit ang biktima hanggang sa duguang bumulagta.

Ayon sa pulisya, matandang alitan ang isa sa dahilan ng insidente. Sa pakikipanayam kay Miranda sa telepono, sinabi niya na ang ama ng supek na nakilalang Sonny Sarmiento ay kapatid ng asawa ng biktima.

Ang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa pambayang bilangguan ng San Miguel, habang ang labi ng biktima ay nakaburol sa Barangay San Vicente, Bulacan. (Dino Balabo)

vuukle comment

AYON

BARANGAY BANTOG

BARANGAY SAN VICENTE

BULACAN

CHIEF INSPECTOR ERNESTO BASA

DINO BALABO

JOSEPH MIRANDA

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL CENTRAL SCHOOL

SONNY SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with