^

Probinsiya

Opisyal ng Phil. Army bulagta sa NPA rebs

-
MORONG, Bataan – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang intelligence officer ng 24th Infantry Battalion ng Philippine Army makaraang makipagbarilan ang biktima sa mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Sitio Marukdok, Barangay Nagbalayong sa bayan ng Morong, Bataan kamakalawa.

Napuruhan sa katawan ng tama ng bala ng baril ang biktimang si Corporal Jeoffrey Fumukao, na nakabase sa Barangay Camacho Balanga City.

Sa sketchy report na nakarating sa Camp Tolentino sa Balanga City, dakong alas-5:00 ng hapon habang nagsasagawa ng dialogue sa mga residente ang apat na miyembro ng Phil. Army kabilang ang biktima ay biglang sumulpot ang mga rebelde sa pamumuno na nakilalang alyas Ka Abner.

Dahil sa takot na madamay ay nagpulasan ang mga residente hanggang sa magpalitan ng putok ang magkalabang panig na tumagal ng 10-minuto kung saan unang tinamaan ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na ikinamatay nito.

Mabilis na tumakas ang mga rebelde sa makahoy at bulubunduking bahagi ng Barangay Nagbalayong matapos ang bakbakan.

Isang manhunt pursuit operation ang isinasagawa ngayon ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence and Investigation Branch at mga tauhan ng 24th Infantry Battalion laban sa mga rebeldeng New Peoples Army. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

BALANGA CITY

BARANGAY CAMACHO BALANGA CITY

BARANGAY NAGBALAYONG

CAMP TOLENTINO

CORPORAL JEOFFREY FUMUKAO

INFANTRY BATTALION

JONIE CAPALARAN

KA ABNER

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with