^

Probinsiya

156,000 na-delubyo sa flashflood

- Joy Cantos -
Umaabot sa mahigit 28,000 pamilya o kabuuang 156,675 katao ang inilikas matapos maramdamang muli ang delubyo ng flashflood partikular na sa Oriental Mindoro, ilang mga lugar sa Region V at VI.

Ayon sa report kahapon ng tanggapan ni Dr. Anthony Golez Jr., Deputy Administrator ng Office of Civil Defense (OCD), umaabot sa 15,000 pamilya o kabuuang 88,000 katao ang inilikas mula sa Calapan City, Oriental Mindoro sanhi ng rumagasang tubig baha umpisa nitong Sabado dulot ng malalakas na pag-ulan.

Maliban sa 20 barangay na sinalanta ng flashflood sa Calapan City kabilang pa sa mga binahang lugar sa Oriental Mindoro ay ang mga mabababang lugar sa mga bayan ng Baco, Naujan, Socorro, Pola at Victoria.

Nabatid na umapaw ang ilog sa Calapan City bunsod ng sunud-sunod na namang malalakas na pagbuhos ng ulan nitong nakalipas na mga araw.

"We need more help because we were under water for seven days last week and had only a two-day respite", ani Mayor Carlos Brucal.

Magugunita na kamakailan lamang ay lumubog sa malawakang tubig baha ang Calapan City at mga karatig nitong bayan matapos mawasak ang dalawang dike sa lalawigan.

Iniulat rin ng NDCC na may 1,635 pamilya o kabuuang 9,522 katao ang naapektuhan ng flashflood sa Camarines Sur at Sorsogon.

Samantalang dumanas rin ng flashflood ang kapitolyo ng Kalibo, Malay, Buranga at Banga sa lalawigan ng Aklan at ang mga bayan ng Calinog, Januay, Lanunuc at Dingla na nakaapekto sa 11,587 pamilya o kabuuang 66,000 katao.

vuukle comment

AKLAN

CALAPAN CITY

CAMARINES SUR

DEPUTY ADMINISTRATOR

DR. ANTHONY GOLEZ JR.

MAYOR CARLOS BRUCAL

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

ORIENTAL MINDORO

REGION V

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with