^

Probinsiya

2 bayan sa lalawigan ng Cagayan Valley, apektado ng malaria

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Umabot na sa dalawang lalawigan ang apektado ng malaria dahil sa tuluy-tuloy na pag-atake nito sa mga bulubunduking barangay sa lalawigan ng Quirino at bayan ng Alfonso, Castañeda sa lalawigang ito.

Unang naitala ang 16-katao patay habang aabot naman sa 300 ang apektado sa bayan ng Alfonso Castañeda at Dupax del Sur rito, kasunod naman ang panibagong kaso ng malaria sa lalawigan ng Quirino kung saan umabot na rin sa 7-katao ang iniulat na nasawi dulot ng epidemya.

Unang nagpadala ang regional at provincial health offices ng isang team ng mga doktor, sanitary inspectors at medical technologists sa lugar kung saan naitala ang pinakamaraming kaso ng mga nasawi at naapektuhan.

Ngunit noong Huwebes, Hulyo 3 ay nagpadala pa ng karagdagang manggagamot at iba pang medical personnel sa 6 na barangay ng mga Bugkalot dahil sa dami ng mga naapektuhang residente.

Agad namang inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang rekomendasyon ni Gov. Rodolfo Agbayani na ideklara ang state of calamity, kasabay ng pagpapalabas ng P139,000.

Ayon kay Dr. Antonio Parong, team leader ng Dept. of Health, malaking halaga pa ang kakailanganin dahil sa paubos na ang gamot sa anti-malaria. (Ulat ni Victor P. Martin)

vuukle comment

ALFONSO CASTA

AYON

BUGKALOT

DR. ANTONIO PARONG

NUEVA VIZCAYA

QUIRINO

RODOLFO AGBAYANI

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

UNANG

VICTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with