^

Probinsiya

3 ‘tulak’ timbog sa droga sa Dasma

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nalambat ang tatlong lalaki na sangkot umano sa pagbebenta ng mga ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Paliparan 3 Dasmariñas City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Baldog,” “John,” at
Ikko”, pawang mga residente ng lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ikinasa ng Drug Enforcement Unit (CDEU), Dasmariñas City Police Station, sa pangunguna ni Police Major Grenie B. Dolnagon ang buy-bust ope­ration laban sa mga suspek.

Isang pulis ang tumayong poseur buyer na nakipag-transact sa mga suspek at nang magpositibo ang bentahan ay dito sila inaresto ng mga operatiba.

Nasamsam sa tatlong suspek ang apat na selyadong plastic sachet na naglalaman ng nasa 4.56 grams ng shabu na may halagang P30,600, dalawang plastic sachet na may 22.29 gramo ng marijuana (kush) na may halagang P33,435, ang buy-bust money na ginamit sa operasyon at isang itim na sling bag na pinasilidan ng mga droga.

BUY-BUST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with