^

Probinsiya

Bahay hinalughog sa raid: HVI timbog sa droga, baril

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines —Arestado ang isang High Value Individual (HVI) matapos ang matagumpay na pagsisilbi ng search warrant ng mga tauhan ng Infanta Municipal Police Station (MPS) sa pagsalakay sa isang bahay sa Purok Tower, Barangay Ilog, Infanta, Quezon kamakalawa.

Base sa ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Edgar,” 30, residente ng nabanggit na lugar, na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ayon sa Infanta Municipal Police, isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant na inilabas noong Nob. 18, 2026 ng Trial Court, Branch 65, sa Infanta, Quezon.

Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachets at isang unsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may tinatayang kabuuang bigat na 85.56 gramo at nagkakahalaga ng P581,808.

Nasamsam sa operasyon ang dalawang baril, kabilang ang isang caliber .45 Norinco pistol, isang Pietro Beretta Caliber 9mm pistol, siyam na bala ng caliber .45, pitong bala ng caliber 9mm, apat na magazine ng caliber .45, isang magazine para sa caliber 9mm, isang coin purse, isang transparent plastic sachet, isang plastic case, at isang P500 bill.

HVI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with