^

Probinsiya

Tangkang pagpapasabog ng cellsite napigilan

-
Napigilan ng mga elemento ng Pulis-Antipolo ang tangkang pambobomba ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa multi-milyong satellite ng Globe Telecoms Inc. sa lungsod kamakalawa.

Ito’y matapos ang maagap na pagreresponde ng mga awtoridad bunsod ng natanggap na intelligence report na maglulunsad ng opensiba ang mga rebelde sa satellite transmitter ng Globe Telecoms Inc.

Ayon kay Antipolo City chief of Police, P/Supt. Jose Dayco, agad siyang nagdispatsa ng mga tauhan upang bantayan ang tatlong transmitter tower ng Globe na nakabase sa lungsod.

Namataan ang presensiya ng mga nagpapatrulyang pulis kaya agad na nagsiatras ang mga rebelde pabalik sa pinagkukutaan ng mga ito sa kabundukan.

Ayon kay Dayco, bagaman napigilan ang masamang tangka ng mga rebelde na kung nagkataon ay isa na namang dagok sa ekonomiya ng bansa ay nananatili pa rin banta sa seguridad ang komunistang kilusan kaya’t pinaigting ang pagiging vigilante laban sa mga ito.

Napag-alaman pa na palagi umanong namamataan ang mga rebelde ng ilan nilang civilian assets na gumagala sa pamilihang bayan at maging sa bisinidad ng ilang mga instalasyon ng gobyerno.

Inihayag pa ni Dayco na malaki ang naitulong ng ilang mga concerned citizen na nakipagtulungan sa mga awtoridad kaugnay ng anti-terrorism campaign. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

AYON

DAYCO

GLOBE TELECOMS INC

INIHAYAG

JOSE DAYCO

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with