^

Probinsiya

Anak ng negosyanteng Tsinoy kinidnap

-
ILOILO CITY – Isang 13-anyos na estudyanteng anak ng negosyanteng Tsinoy ang iniulat na kinidnap ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nasa loob ng eskuwelahan noong Martes, Oktubre 15, 2002 ng umaga sa Ledesco Village, La Paz District sa lungsod na ito.

Napag-alaman sa nai-broadcast na ulat sa Aksyon Radyo Iloilo, kinilala ang biktima na si Jefferson Tan, 1st year sa Iloilo Chinese Community High School, anak ng prominenteng trader na si Joseph Tan sa Iloilo City at may-ari ng JECO Distributors.

Base sa ulat ng pulisya, ang biktima ay sinundo ng kanilang drayber bandang alas-5 ng hapon at papalabas na sana ng eskuwelahan nang mahagip ang hindi kilalang lalaki na nagbibisikleta na pinaniniwalang kasabwat ng mga kidnaper saka nakiusap na ihatid sa ospital kasama ang tatlo pang hindi kilalang lalaki.

Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay sapilitang pinaalis ang drayber ng sinasakyang kotse ng biktima saka pinaharurot sa hindi nabatid na direksyon.

Ayon pa sa ulat, humihingi ng P50-milyon ransom ang mga kidnaper ngunit bumaba ng P10-milyon kapalit ng kalayaan ng biktima.

Nakiusap naman si P/Chief Supt. Marcelo Navarro Jr., police regional chief ng Western Visayas sa mga media na news blackout muna upang hindi maantala ang follow-up operation ngunit naiulat din sa lokal na pahayagan.

Napag-alaman pa sa ulat na hindi nakikipag-ugnayan ang pamilya ng biktima sa mga awtoridad, maging ang eskuwelahan ng bata ay nagpalabas ng memorandum sa lahat ng kanilang faculties na iwasang magbigay ng statement sa kaninuman partikular na sa media. (Ulat ni Leo Solinap)

vuukle comment

AKSYON RADYO ILOILO

CHIEF SUPT

ILOILO CHINESE COMMUNITY HIGH SCHOOL

ILOILO CITY

JEFFERSON TAN

JOSEPH TAN

LA PAZ DISTRICT

LEDESCO VILLAGE

LEO SOLINAP

MARCELO NAVARRO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with