^

Probinsiya

Lolo nakipagduwelo sa pulis, todas

-
TERESA, Rizal – Dead-on-the-spot ang isang 71-anyos na lolo matapos na makipagduwelo sa isang miyembro ng pulisya sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Ruperto Rapanot, isang retiradong empleyado ng National Power Corporation (NAPOCOR).

Sinampahan naman ng kasong homicide ang suspek na nakilalang si PO3 Eduardo Cabasbas, kasapi ng Antipolo City Police na agad sumuko matapos ang pangyayari.

Ayon kay PO3 Eduardo Ramos, dakong alas-5:30 ng hapon habang lulan ng service motorcycle ng PNP ang suspek nang masiraan ito sa Sitio Uno, Abuyod, Brgy. May-iba, sa bayang ito.

Ang biktima ay matagal na umanong may kinikimkim na galit sa suspek kung saan nang makita niya ito ay agad na hinamon ng barilan bitbit ang baril.

Sa halip na lumaban ang pulis ay iniwasan nito ang biktima at agad na sumakay ito sa kanyang motorsiklo na naayos na ang sira.

Subalit pagsapit sa Sitio Dos ay muling nasira ang motorsiklo at doon ay sinundan na ng biktima ang suspek at pinaputukan kaya lumaban na ang pulis. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABUYOD

ANTIPOLO CITY POLICE

AYON

EDUARDO CABASBAS

EDUARDO RAMOS

JOY CANTOS

NATIONAL POWER CORPORATION

RUPERTO RAPANOT

SITIO DOS

SITIO UNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with