^

Police Metro

Libreng internet, hatid ni Rep. Stella Quimbo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Marikina 2nd District Rep. Stella Luz Quimbo kahapon sa Fortune Ele­mentary School Amphitheatre ang pilot launching ng “Qnektado”, isang makabagong inisyatiba na layong magbigay ng libreng high-speed fiber optic internet sa mga mag-aaral, mga kabahayan, at institusyon sa ikalawang distrito ng Marikina.

Sa pamamagitan ng Qnektado, magkakaroon ng 10 Mbps unlimited internet access ang bawat mag-aaral, habang ang mga kabahayan naman ay makakakuha ng koneksyon mula 10 Mbps hanggang 200 Mbps, na magbibigay ng mas mabilis at abot-kayang internet sa buong distrito.

“Sa panahon ngayon, hindi na luho kundi isang pangangailangan ang internet. Sa pamamagitan ng Qnektado, sinisigurado nating walang Marikenyo ang maiiwan sa likod pagdating sa edukasyon, hanap­buhay, at komunidad,” pahayag ni Rep. Quimbo.

Maghahatid ang ­programa ng libreng WiFi sa Fortune Elementary School at Fortune High School, pati na rin sa 65 kabahayan ng Santan Dos Homeowners Association. Tinatayang 565 pamilya ang makikinabang sa inisyatiba, kabilang ang 500 magulang mula sa Fortune Elementary at High School.

“Ito pa lamang ang si­mula. Sisiguraduhin natin na mas maraming pamilya ang makinabang sa proyektong ito sa mga susunod pang taon. Sama-sama tayong magtutulungan para sa isang mas digitally connected na Marikina,” pagtatapos ni Rep. Quimbo.

STELLA LUZ QUIMBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with