^

Police Metro

May-ari ng security agency pinasok sa opisina, tinodas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang negosyante ang nasawi nang pasukin at pagbabarilin ng dalawang ulit ng hindi pa nakikilalang suspek kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang biktima na namatay noon din ay naki­lalang si Jeffrey Talisayin, 42, residente ng Block 5, Lot 13 Ipil St. Franville V Subdivision, Camarin, ng  nabanggit na  lungsod.

Inilarawan naman ang suspek na may taas na 5”4 hanggang 5”6, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng itim na long sleeves at bonnet.

Batay sa report, nangyari ang insidente, alas-10:00 ng umaga sa loob ng King Guard Sentinel Security Agency na matatagpuan sa No. 5 Ipil Avenue, Franville IV Subdivision, Camarin, Caloocan City na pagmamay-ari ng biktima.

Ayon sa pahayag ng saksi, abala sila ng biktima sa opisina nang pumasok ang suspek at nagpanggap na aplikante ng security agency.

Nagulat na lamang siya nang biglang bumunot ng baril ang suspek at dalawang beses na pinutukan ang biktima.

Sinabi ni Lacuesta na inutos na niya ang pag­rebisa sa mga CCTV sa loob ng opisina gayundin sa labas nito.

Posibleng makatulong ang CCTV upang malaman ang galaw ng suspek bago isagawa ang krimen.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with